Dahil wala kana, wala ng saysay
humiga dito sa aking kama.
Dahil wala kana hindi na malasa
ang kape at pandesal sa umaga.
Dahil wala kana, kahit comedy ang
palabas, wala na kong ganang tumawa.
Dahil wala kana, wala na sa tono ang
aking mga kanta at pagigitara.
Dahil wala kana, mas mahaba na ang mga
gabi at kay bagal na ng pagsapit ng umaga.
Dahil wala kana, naglaho na ang kulay ng
mundo ko at nawalan na ko ng pagasa.
Pagkalipas ng ilang araw, buwan at taon,
pinilit na bumangon at sinubukang tumawa.
Sinubukang maghanap ng iba, pero ikaw
padin ang hinahanap at nakikita.
Pinilit na limutin ka at ibaon ang iyong
mga alaala. Hindi malaman kung bakit
naglaho kanalang at nawala kagaya ni
Francis M. at Ely Buendia.
Ngayong tambay nalang at nagtatanong
sa Diyos kung kelan ulit liligaya.
Maria Clara sana mahanap kana ng
puso kong uhaw at nagdurusa.
Ngayon nagbibilang nalang ng araw
na may dumating na bago na
magpapahalaga. Nagaantay nalang
ng ulan kagaya ng Rivermaya.
Pagdating mo, pangako ko sayong
mamahalin ka kagaya ng pagmamamahal
ni Florante kay Laura. Pangako sayo na ang
pag ibig natin ay mas matindi pa kay Angelo
at Ina.
Prinsesa pwede bilisan mo na?
Kasi pag hindi ka dumating, iiputan na ko
ng ibong Adarna. Kaya kung pwede sagipin
mo na ko katulad ni Darna.
Ayokong maging bato, gusto ko pang
kumain ng fishball, maligo sa ulan,
makinig sa Eraserheads, at katulad
ng kanta nila Lumigaya.
(tula para sa mga tropa, insan at mga alaala. Rock En Roll)
No comments:
Post a Comment